Raqi’s Secret Files with Titan Gelo-logo

Raqi’s Secret Files with Titan Gelo

Arts & Culture Podcasts

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by...

Location:

United States

Description:

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.

Language:

English


Episodes
Ask host to enable sharing for playback control

May pamilya ako, pero pakiramdam ko mag-isa ako

5/27/2026
Ibinahagi ng sender ang mabigat na pakiramdam ng isang taong lumaki na hinahanap ang pagmamahal ng pamilya, pero unti-unting nasanay na harapin ang lungkot nang mag-isa. Sa likod ng pagiging matatag at palangiti, may mga sugat, trauma, at laban na hanggang ngayon, hindi pa rin tuluyang naghihilom. Ito ang secret file ni Irish.

Duration:00:17:26

Ask host to enable sharing for playback control

Boss ko ang kapatid ko at may tinatago siya sa asawa niya

5/26/2026
Ibinahagi ng sender kung paano niya nahuling may itinatago sa Asawa niya ang kapatid niyang Boss niya rin sa opisina. Bilang kapatid at empleyado, dala-dala niya ngayon ang bigat ng isang sikretong puwedeng sumira sa pamilya, trabaho, at lahat ng pinaghirapan nila.

Duration:00:17:58

Ask host to enable sharing for playback control

Naligaw ako ng landas pagkatapos mawala ng mga magulang ko

5/22/2026
Ibinahagi ng sender ang masayang buhay nilang magkapatid bago tuluyang magbago ang lahat dahil sa pagkamatay ng kanilang Mommy sa breast cancer. Pagkatapos mawalan ng magulang, unti-unti na ring gumuho ang dati nilang pamilya. Lumayo ang loob ng Daddy nilang pulis at doon na rin siya naligaw ng landas habang nilalamon ng lungkot, depresyon, at masasamang impluwensya. Hanggang sa dumating siya sa puntong gumawa ng mga bagay na hindi niya inakalang magagawa niya ang mga desisyong tuluyang nagpabago sa buhay nilang magkapatid. Ito ang secret file ni Candy.

Duration:00:26:42

Ask host to enable sharing for playback control

Ako ang babae at ako ang unang umamin

5/21/2026
Ibinahagi ng sender ang kwento niya bilang isang OFW sa Dubai na matagal na ring nakalimutang mahalin ang sarili matapos ang walong taong relasyon na puno ng sakit, pagdududa, at pananakit. Sa gitna ng pagod at lungkot sa ibang bansa, hindi niya inaasahang may isang lalaking unti-unting magpaparamdam sa kaniya ng halaga at pagmamahal na matagal niyang hinanap. Nagsimula sa simpleng chats at tawagan, hanggang sa isang gabing may narinig siyang mga salitang tuluyang tumagos sa puso niya mga salitang nagpaniwala sa kanya na deserve din pala niyang mahalin nang tama. Ito ang secret file ni Nathalie.

Duration:00:22:46

Ask host to enable sharing for playback control

Nadala siya ng init ng katawan, pero hindi niya ako pinanindigan

5/20/2026
Ibinahagi ng sender nating ang halos siyam na taong relasyon na puno ng paulit-ulit na panloloko, pag-asa, at pagpapatawad. Nagsimula ang lahat sa simpleng usapan sa Instagram noong high school, hanggang sa nahulog siya nang todo sa lalaking ilang beses siyang ginawang second option. Sa kabila ng sakit at pagtataksil, pinili pa rin niyang manatili dahil sa pagmamahal. Pero, isang rebelasyon mula sa isang inosenteng bata at isang lihim na usapan sa cellphone ang muling dumurog sa pusong pilit niyang binubuo. Ito ang secret file ni RJ.

Duration:00:35:11

Ask host to enable sharing for playback control

Nahahanap din pala ang pag-ibig sa gasolinahan

5/19/2026
Ibinahagi ng sender ang kwento niya bilang gasoline boy sa Tacloban. Biglang nagkaroon ng kulay ang araw-araw niyang trabaho nang dumating si Donna. Dito siya napaisip na nahahanap din pala ang pag-ibig sa gasolinahan. Pero, isang simpleng reply sa text ang hindi niya inaasahan at doon biglang nag-iba ang lahat. Ito ang secret file ni Bob.

Duration:00:20:32

Ask host to enable sharing for playback control

Iniwan ko ang partner ko para alagaan ang Ex kong may sakit

5/15/2026
Ibinahagi ng sender nating ang mabigat na desisyong kinaharap niya matapos niyang iwananan ang partner para alagaan ang ex na may sakit na siya ring ama ng anak. Unti-unting nasubok ang puso niya sa pagitan ng nakaraan na puno ng sugat at kasalukuyang ayaw siyang mawala. Ito ang secret file ni Sam.

Duration:00:18:34

Ask host to enable sharing for playback control

Nabuntis ako ng lalaking may girlfriend na pala

5/14/2026
Ibinahagi ng sender ang masakit niyang karanasan nang siya ay nabuntis ng lalaking may girlfriend na pala. Sa likod ng mga pangako at pagmamahal, lumabas ang matinding katotohanan na nagdala sa kanya sa isang emosyonal na krisis at mabigat na desisyon sa buhay. Ito ang secret file ni Zian.

Duration:00:19:37

Ask host to enable sharing for playback control

Isa akong bakla na nahulog sa best friend kong straight

5/13/2026
Ibinahagi ng sender na unti-unting nahulog sa best friend niyang straight kahit bakla siya. Unti-unti ring lumaki ang tanong kung may pag-asa ba ang nararamdaman niya o hanggang kaibigan lang talaga. Ito ang secret file ni Axell.

Duration:00:19:38

Ask host to enable sharing for playback control

Nilait ako ng asawa ko sa kabit niya

5/12/2026
Ibinahagi ng sender ang masakit niyang kwento kung paano siya nilait ng Asawa niya sa kabit nito habang pilit niyang binubuo ang kanilang pamilya. Hanggang saan kaya kayang magtiis ng isang babaeng paulit-ulit nasasaktan pero patuloy pa ring lumalaban para sa anak at pagmamahal? Ito ang secret file ni Sapphire.

Duration:00:32:25

Ask host to enable sharing for playback control

Masakit ang kapalit ng pagsasakripisyo ko

5/7/2026
Isang teenage mom ang napilitang mag-abroad para mabigyan ng mas magandang buhay ang kaniyang mga anak matapos malugmok sa problema ang kanyang partner. Sa ibang bansa, naranasan niya ang matinding hirap. Nang makauwi, imbes na guminhawa ang buhay, hinarap niya ang mas masakit na realidad, isang relasyong puno ng selos at pananakit. Sa kabila ng lahat, patuloy siyang lumalaban para sa mga anak.

Duration:00:25:06

Ask host to enable sharing for playback control

Isa akong Ama na natutong maging Nanay na rin

5/6/2026
Isang ama ang naiwan upang alagaan ang kanyang anak habang nasa abroad ang asawa. Sa gitna ng mga pagsubok, natuklasan niyang may iba nang buhay ang kanyang asawa. Sa kabila ng sakit, pinili niyang maging matatag at gampanan ang papel ng parehong ama at ina.

Duration:00:22:20

Ask host to enable sharing for playback control

May lihim ang asawa ko na hindi dapat malaman ng pamilya ko

5/5/2026
Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano niya unti-unting nabunyag ang lihim ng asawa niya na yayanig sa matagal na nilang pagsasama. Sa bawat rebelasyon, mas lalong bumibigat ang tanong kung hanggang saan ang kaya niyang tanggapin sa likod ng lahat ng ito lalo na at hindi raw dapat ito malaman ng pamilya niya. Ito ang secret file ni Cecilia.

Duration:00:21:35

Ask host to enable sharing for playback control

Hindi ako ang nakikita niya sa future niya

5/1/2026
Ibabahagi ng ating sender ang kaniyang kwento tungkol sa kanyang pagbangon mula sa depresyon matapos siyang may makilalang babae na naging dahilan ng kaniyang muling pag-asa. Ngunit, sa kabila ng kaniyang pagmamahal at pagsisikap, nanatili lamang siyang kaibigan sa paningin nito. Ito ang secret file ni Yoshi.

Duration:00:22:15

Ask host to enable sharing for playback control

Kinamkam ng tatay ko ang death benefit ni Mama

4/30/2026
Ibabahagi ng ating sender ang kaniyang kwento kung saan siya ay lumaki sa pamilyang puno ng away at pananakit mula sa kanilang Ama, hanggang sa tuluyan itong umalis at hindi na nagparamdam. Sa paglipas ng mga taon, ang kanilang Ina na lamang ang nagsumikap para sa kanilang pamilya. Ngunit, noong ma-diagnose ang kanilang Ina ng breast cancer, muling bumalik ang sakit ng nakaraan at ang sugat na iniwan ng amang matagal nang nawala.

Duration:00:29:42

Ask host to enable sharing for playback control

Parang wala siyang pakialam, kaya ako nakipaghiwalay

4/29/2026
Ibinahagi ng sender nating na parang wala raw pakialam ang Boyfriend niya sa importanteng araw para sa kaniya. Sa sobrang inis at tampo, muntik na siyang nakipaghiwalay, hanggang sa may nangyaring hindi niya inaasahan.

Duration:00:16:02

Ask host to enable sharing for playback control

Modus nila ang arranged marriage para magkapera

4/28/2026
Gustong ikwento ng ating sender na isang ina sa Australia ang kaniyang kwento kung saan siya ay muling umibig matapos ang magulong pagsasama nila ng asawa. Pero, ang akala niyang tunay na pag-ibig ay may itinatagong lihim, isang katotohanang sisira sa kaniyang tiwala at magtuturo sa kaniya ng mahalagang aral tungkol sa pag-ibig at panlilinlang.

Duration:00:23:41

Ask host to enable sharing for playback control

Pinagsabay niya kami ng Mama ko

4/24/2026
Ibinahagi ng ating sender ang mapait na karanasan nang malaman niyang pinagsabay siya at ang mama niya ng isang lalaki sa relasyon. Ang masakit na ugnayang ito ay nagdulot ng matinding pagkawasak ng kanilang pamilya na nauwi pa sa isang hindi inaasahang trahedya. Ito ang secret file ni Luna.

Duration:00:24:55

Ask host to enable sharing for playback control

Bestfriend ko ang greatest love ko

4/23/2026
Ibibahagi ng ating sender kung paano nagsimula sa pagkakaibigan ang relasyon nila ng kanyang bestfriend na kalaunan ay naging greatest love niya. Dumaan muna sila sa hiwalayan at pananahimik bago muling nagtagpo. Ito ang secret file ni Ninya.

Duration:00:23:16

Ask host to enable sharing for playback control

Naibigay ko ang sarili ko sa lalaking may Girlfriend na

4/22/2026
Ibabahagi ng ating sender ang kwento tungkol sa kaniyang relasyon. Iniwan siya ng kaniyang partner matapos niyang piliin na magtrabaho sa Davao at sila ay maging LDR. Nang magkaroon ng reunion kasama ang mga dati nilang kaklase, dito nangyari ang isang desisyon na hindi dapat.

Duration:00:26:02